May napansin ako sa FB yung isang image dun na nagsasabi na kung batang 90's ka kilala mo sila shaider.. bio man at mask man... naalala ko tuloy noong maliit pa ako although di ko namasyado matandaan ang lahat (epekto siguro ng paggaya ko kay shaider na laging natalon ng paatras sa building na ginagawa ko sa sofa namin at ikina uuntog ng ulo ko sa sementong pader) hindi ko akalaing mapalad din pala ako kasi isa ako sa mga batang inabuso ang kanilang kamusmusan ng telebisyon eto ang mga sumusunod na palabas na naalala ko d ko na masyado matandaan yung iba kayo na lng bahalang mag dagdag...
- Shaider Pulis pangkalawakan
- kung hindi mo nakilala si alexis at nasa edad 23 - 30 ka na ngayon aba medjo maawa ako sayo dahil hindi mo alam ang kantang "umshiki-shiki ni Kuuma Ley- ar" at hindi ka nakakita ng higanteng baril at motorsiklong niraradyo tulad ng "Blue Falcon" at "Babylon" at ang higit sa lahat isa siya sa mga pulis na may mabagsik na side kick si annie(ahhhhhhhh) hindi mo na enjoy ang kabataan mo dahil hindi mo nakita to...
Note: hindi yan ang reason ko dati kung bakit ako nananood ng shaider dati.. idol ko lang talaga si alexis madalas ko lang napapansin yan
- Mask Man
- kung sabayan lang sa kanta isa ito sa mga bigatin madalas ko sinasabayan yung opening nito... "SIGE SUGOD LABAN Mask Man ipagtanggol ang kapayapaan" minsan nga sinubukan tong ikanta sa Music Lesson namin nung grade four bigla akong napagsabihan ng teacher ko puro daw ako TV at nang malaman ni Ermat sinusian ako sa tagiliran ayun dun ko nalaman na nanonood din pala yung teacher ko ng Mask Man at hindi magandang gamitin ang Opening Music sa Music Lesson masakit sa tagiliran
- Mask Rider Black
- Eto ang pinaka Astig sa lahat inaamin ko namolestiya nito ang murang kaisipan ko mula sa pagpapatunog ng buto sa kamay pagwawasiwas at sisigaw ng "RIDER CHANGE" at magpapalit ng anyo ng isang mamang may helmet na mukhang bangaw... sabay tatalunin ang kalaban gamit ang RIDER PUNCH at RIDER KICK... madalas may naoopis samin dati gawa ng paggaya sa rider kick at rider punch yung iba kasi pumuputok ang nguso pagkatapos ma rider kick o rider punch tapos may darating na magulang na gugulpi sa kanila... <*Music Cue Kapag may natatalong kalaban si Mask Rider Black "tenenentenenenetenenenetenenentenenennenen"*>
- Bioman
- Kung Formation, Kulay, at Synchronization lang ang labanan walang tatalo sa mga to... astig din ang Opening nila pero balik tayo sa team up nila.
alam na alam nila kung san pupuwesto at kung ano ang gagawin nila... pwedeng pwede silang mga dancer, atleta at matitinong goverment officials sa linis at ayos ng galaw nila... dati nga may nakaaway ako sa lugar namin habang naglalaro ng kunwariang bio man kasi pinipilit niya siya si blue three eh gusto ko ako si blue three pero di ako nakapalag kasi mas malaki siya sakin kaya pinili ko na lang si yellow four na may halong sama ng loob
- Machine Man
- Nababaduyan ako sa bidang to pero ang totoo sinusubaybayan ko parin siya kahit na ang sidekick niya eh bola ng base ball na ang laging gawain eh umiyak kpag binabato... kahit na mukhang geek yung bida... kahit na plastik ang kapa nito... at lalo na sa lahat kahit na parang siyang may hydrosepalus kapag suot niya yung helmet niya
- Ultraman
- di ko masyadong tanda si ultraman maliban na lamang sa pagiging mukhang isda niya at paglolowbatt ng ilaw sa dib dib niya naging trend narin namin nung bata ang pag lagay ng tansan sa dibdib at maging si ultra man habang tinitira ng ultra beam yung mga asong nakatali at tumatahol samin...
kung hindi ko man naidag dag yung iba na alam ko nangangahukugan na hindi ko na appreciate yung kwento, magagarbong entrance at exageration tulad ng FIve man na napakaraming robot... jet man na hindi ko nagustuhan ang storyline... at yung superhero na nakalimutan ko ang pangalan na nakacustome ng pula at binabala sa kanyon kapag susugod sa kalaban... Very Nostalgic ika nga... maswerte narin ako naabutan ko tong panahon na to d tulad ngayon na tuwing hapon ng sabado at linggo showbiz ang napapanood ko...