Tulad ng pagsakay sa Bus walang pakielamanan... basta ang mahalaga makapunta sa dapat puntahan bayad sa kundoktor kuha ticket at ayun may sarili nang mundo... tila meron akong napansin...


Sa Rehimen ni Pangulong Manuel L. Quezon Inayos ang kalsadang "19 de Junio" o kilala bilang "Highway 54" at mas kilala din bilang "EDSA"

Napakalawak ng EDSA meron itong dalawampu at apat na kilometrong haba mula Pasay hanggang Monumento. Maaring umandar ang apat na bus o higit pa sa magkabilang hanay ng magkakasabay, inapatutupad ang batas ng "Number Coding Scheme"... Bawat Lugar may mga Traffic Enforcer... may maayos na Traffic Light... may malilinaw at madaling mabasa na Traffic Signs... May mga Malalaking Karatula na nagaabiso sa mga tao na "Bawal Tumawid" o kaya eh "Bawal Sumakay"...


Ayon sa Website ng LTO meron tayong siyamnapu at pitong batas trapiko na may multang naglalaro mula limandaang piso hanggang limampung libong piso... parusang pagkakakumpiska ng lisensiya at sasakyan...


Pero sa kabila ng mga batas, luwag ng edsa, naglalakihang mga paunawa sa mga pedestrian at motorista at dami ng mga traffic lights:

  • Mainit parin ang ulo nila manong drayber
  • May mga tumatawid parin sa lugar na hindi dapat tawiran
  • Humihinto sa sa lugar na hindi dapat
  • Nagbababa ng pasahero at nagsasakay sa hindi dapat
  • Mga bumabangga sa concrete barrier
  • Mga bulok na katwiran ng mga irresponsableng motorista na nagpapaandar ng mabilis
  • At higit sa lahat ang mga buhay na nawawala dahil sa mga aksidenteng sinasabing hindi maiwasan

Kalahating siglo na ang nakakaraan ng mabuhay ang EDSA pero ganito parin... may nagsasabi dati na ang mabilis at maayos na transportasyon ay isang magandang halimbawa ng umuunlad na bansa... pero ang usad pagong na andar ng sasakyan sa EDSA... nagpapakita ng isang halimbawa ng mabagal na pagunlad... at hindi pagsunod ng kababayan nating pasahero at motorista sa Batas Trapiko...

edit post

0 Reply to "Ang EDSA bow...."