Who is dMaxee

Posted on 7:44 AM, under

Sino Ka?

>>> Batang Manilenyo lumaki sa ingay ng tren, ng mga kapitbahay, at sa ingay ng pagbubunganga ng aking Nanay, nakasanayan na ang gulo, usok at baha sa kahabaan ng Espanya. Mahigit 17 o labing pitong taong naglalakbay sa kahabaan ng Recto nung nagaaral pa lamang mula Nursery hanggang College,  isang Degree Holder IT (Information Technology) ang kursong natapos. Ayoko ng Simpleng pamumuhay gusto ng Karangyaan pero hindi naging madali ang lahat kaya balik na lang ako sa Payak at Maayos na buhay. Nagagawa ko nang makuntento sa pagbabasa ng libro, panonood ng mga dokumentaryo at pagaaral at paglalaro ng mga makabagong teknolohiya.

Bakit ka gumawa ng Blog?

>>> Marami akong napapansin hindi lang sa bansa natin, pati rin sa ibang planeta, tulad ng ibang Blogger ganun din ang naging dahilan ko ang "magpapansin", pero hindi sa aspeto ng "kung ano at saang mamahaling restaurant ako nananghalian", "Anong Klaseng kape ang unti unti kong sinisipsip habang nakatambay sa Coffee Shop" at "Dapat bang sisihin ang mga Magulang nila Justin Bieber at Rebecca Black bakit ba sila nagasawa at nag anak". 

Ano ang Kakaiba sa Blog na ito?

>>>Nilikha ko ito para sa mga susunod na Henerasyon at sabihin sa kanila na kung maaari mapanatili nila yung mga luma ngunit tuwid na paguugali nating mga pilipino, para dun sa pagbukas ng kamalayan ng kapwa ko mga bagay na sana ilibing na lang natin sa limot at magsimulang muli ng mataimtim at maayos, para din maibahagi ko yung mga karanasan ko ng ako'y bata pa, at paagbibigay pugay sa mga taong naging parte ng buhay ko lalong lalo na dun sa Teacher ko nung First Year High School kung wala siya hindi isinilang ang dMax na nagsasalita ngayon.

pinangarap mo bang maging manunulat?

>>> Oo, pero sa hirap ng buhay ngaun hindi ko na ninais maging manunulat, wala rin namang bibili ng libro gagawin ko kasi panigurado hindi nila ako maiintindihan. Ginawa ko na lamang ito libangan, at masaya din naman ako sa kursong pinili ko nagagawa ko parin ang isang pangarap na gusto ko mangyari "Baguhin ang Sarili ko"

kapupulutan ba ng aral ang mga sinusulat mo dito?

>>>Ikaw na ang bahala kung handa kang madungisan ang mga kamay mo sa mga mapupulot mo dito, masasabi mo lamang na isang aral ang napupulot mo kung bawat salitang inilalahad ay matatanggap mo at kaya nitong ibahin ang takbo ng buhay mo.

"Hindi niyo kayang baguhin ang mundo ng mag isa lang pero kaya mong baguhin ang sarili mo ng ikaw lang"

edit post