Bugbog nanaman ang Pilipinas

Posted on 8:42 AM, under

Bakit ganun? Ansama sama ng tingin satin ng ibang bansa kapag napapahamak yung mga kababayan nila dito sa pinas, pero kpag may mga hinaing tayo tulad ng mga manggagawang pilipino na naabuso sa ibang bansa, nagiging sex slaves, minamaltrato at ginagahasang katulong, nadedelay na pasahod ng mga employer, pagdukot ng mga pirata o terrorista sa mga pinoy na naghahanap buhay at iba pang suliranin na hinaharap ng mga OFW sa kani kanilang bansa ehhh

Masakit masabihan ng "disappointment", masakit din marinig at malaman na may nagsasabing "wag kayo pupunta sa bansang to... kapag nawalan ng trabaho yung pulis dito dumudukot at pumapatay ng dayuhan" at lalong lalo napakasakit yung madadamay yung iba nating kababayan sa ibang bansa na walang kinalaman at tahimik na naghahanap buhay...

Nakakalungkot yung pangyayari kahapon hindi ito biro isa itong malaking kahihiyan sa ating kapulisan... mamahayag... sa ating bansa at pati narin sa atin tulad ng ginagawa ng mga kolokoy na to:


Hindi ko alam kung anong meron at napili nilang tourist attraction to... meron din bang nagsasabi dito na "dito po sa Bus na ito ay may namatay na dayuhan dahil sa may pulis na nawalan ng hanapbuhay at binihag sila umayos po taung lahat para sa picture taking at wag kalimutan mag smile"

Balik tayo sa usapan... uunawain ko ang nararamdaman ng ibang bansa sa pangyayari... ang bansang pilipinas ay may mataas na porsyento ng mga katoliko kaya mataas ang pagpapahalaga namin sa buhay ng bawat tao... halos madurog ang puso ko ng malaman ko yung pangyayari ang inaalala ko yung mga namatayan ng kamag anak na walang kinalaman sa suliraning hinaharap ng isang indibidwal na nawalan ng hanapbuhay... inaalala ko rin yung Pulis na nandukot naging masama man ang ginawa niya kapatawaran na rin ang binibigay ko para sa kaluluwa niya at sa pamilya niya... at ang huli ay sa mga kababayan natin na nasa ibang bansa lalo na sa hong kong wag sana silang mapagbuntunan ng galit dahil wala naman silang kinalaman sa pangyayari...

Bakit naman napakainit ng paningin nila satin? pero kapag tayo ang nagbukas ng isyu tulad ng mga nasabi ko na sa itaas mga pangaabuso na dinanas ng mga kababayan natin sa kamay ng mga banyaga nilang amo parang wala lang... oo may mga pagkilos na nangyayari pero meron parin akong nababalitaang umuuwi dito sa pilipinas ang dala lang ay luha at hinagpis mula sa impiyernong minsang kinasadlakan nila... mga kababaihan na nasira yung simpleng pangarap na makapagbigay ginahawa sa pamilya nila at mga kahon na may malalamig na bangkay sa loob...

Si Flor Contemplacion, Si Angelo Dela Cruz, mga Tripolanteng Pinoy at iba pa ... minsan na rin silang naging biktima ng karahasan ng mga dayuhan at mayroon paring mangilan ngilang nagiging alipin at nakararanas ng pagmamaltrato... wag naman sana nilang sabihin na wala tayong kakayahan para proktektahan ang mga dayuhan bumibisita sa ating bansa... dahil kahit naman sila hindi ganun ka perpekto ang kakayanan nilang pangalagaan ang mga kababayan nating nasa puder nila... bow...

edit post

0 Reply to "Bugbog nanaman ang Pilipinas"