Bakit ganun? Ansama sama ng tingin satin ng ibang bansa kapag napapahamak yung mga kababayan nila dito sa pinas, pero kpag may mga hinaing tayo tulad ng mga manggagawang pilipino na naabuso sa ibang bansa, nagiging sex slaves, minamaltrato at ginagahasang katulong, nadedelay na pasahod ng mga employer, pagdukot ng mga pirata o terrorista sa mga pinoy na naghahanap buhay at iba pang suliranin na hinaharap ng mga OFW sa kani kanilang bansa ehhh
Masakit masabihan ng "disappointment", masakit din marinig at malaman na may nagsasabing "wag kayo pupunta sa bansang to... kapag nawalan ng trabaho yung pulis dito dumudukot at pumapatay ng dayuhan" at lalong lalo napakasakit yung madadamay yung iba nating kababayan sa ibang bansa na walang kinalaman at tahimik na naghahanap buhay...
Nakakalungkot yung pangyayari kahapon hindi ito biro isa itong malaking kahihiyan sa ating kapulisan... mamahayag... sa ating bansa at pati narin sa atin tulad ng ginagawa ng mga kolokoy na to:
Hindi ko alam kung anong meron at napili nilang tourist attraction to... meron din bang nagsasabi dito na "dito po sa Bus na ito ay may namatay na dayuhan dahil sa may pulis na nawalan ng hanapbuhay at binihag sila umayos po taung lahat para sa picture taking at wag kalimutan mag smile"
Balik tayo sa usapan... uunawain ko ang nararamdaman ng ibang bansa sa pangyayari... ang bansang pilipinas ay may mataas na porsyento ng mga katoliko kaya mataas ang pagpapahalaga namin sa buhay ng bawat tao... halos madurog ang puso ko ng malaman ko yung pangyayari ang inaalala ko yung mga namatayan ng kamag anak na walang kinalaman sa suliraning hinaharap ng isang indibidwal na nawalan ng hanapbuhay... inaalala ko rin yung Pulis na nandukot naging masama man ang ginawa niya kapatawaran na rin ang binibigay ko para sa kaluluwa niya at sa pamilya niya... at ang huli ay sa mga kababayan natin na nasa ibang bansa lalo na sa hong kong wag sana silang mapagbuntunan ng galit dahil wala naman silang kinalaman sa pangyayari...
Bakit naman napakainit ng paningin nila satin? pero kapag tayo ang nagbukas ng isyu tulad ng mga nasabi ko na sa itaas mga pangaabuso na dinanas ng mga kababayan natin sa kamay ng mga banyaga nilang amo parang wala lang... oo may mga pagkilos na nangyayari pero meron parin akong nababalitaang umuuwi dito sa pilipinas ang dala lang ay luha at hinagpis mula sa impiyernong minsang kinasadlakan nila... mga kababaihan na nasira yung simpleng pangarap na makapagbigay ginahawa sa pamilya nila at mga kahon na may malalamig na bangkay sa loob...
Si Flor Contemplacion, Si Angelo Dela Cruz, mga Tripolanteng Pinoy at iba pa ... minsan na rin silang naging biktima ng karahasan ng mga dayuhan at mayroon paring mangilan ngilang nagiging alipin at nakararanas ng pagmamaltrato... wag naman sana nilang sabihin na wala tayong kakayahan para proktektahan ang mga dayuhan bumibisita sa ating bansa... dahil kahit naman sila hindi ganun ka perpekto ang kakayanan nilang pangalagaan ang mga kababayan nating nasa puder nila... bow...
May napansin ako sa FB yung isang image dun na nagsasabi na kung batang 90's ka kilala mo sila shaider.. bio man at mask man... naalala ko tuloy noong maliit pa ako although di ko namasyado matandaan ang lahat (epekto siguro ng paggaya ko kay shaider na laging natalon ng paatras sa building na ginagawa ko sa sofa namin at ikina uuntog ng ulo ko sa sementong pader) hindi ko akalaing mapalad din pala ako kasi isa ako sa mga batang inabuso ang kanilang kamusmusan ng telebisyon eto ang mga sumusunod na palabas na naalala ko d ko na masyado matandaan yung iba kayo na lng bahalang mag dagdag...
- Shaider Pulis pangkalawakan
- kung hindi mo nakilala si alexis at nasa edad 23 - 30 ka na ngayon aba medjo maawa ako sayo dahil hindi mo alam ang kantang "umshiki-shiki ni Kuuma Ley- ar" at hindi ka nakakita ng higanteng baril at motorsiklong niraradyo tulad ng "Blue Falcon" at "Babylon" at ang higit sa lahat isa siya sa mga pulis na may mabagsik na side kick si annie(ahhhhhhhh) hindi mo na enjoy ang kabataan mo dahil hindi mo nakita to...
Note: hindi yan ang reason ko dati kung bakit ako nananood ng shaider dati.. idol ko lang talaga si alexis madalas ko lang napapansin yan
- Mask Man
- kung sabayan lang sa kanta isa ito sa mga bigatin madalas ko sinasabayan yung opening nito... "SIGE SUGOD LABAN Mask Man ipagtanggol ang kapayapaan" minsan nga sinubukan tong ikanta sa Music Lesson namin nung grade four bigla akong napagsabihan ng teacher ko puro daw ako TV at nang malaman ni Ermat sinusian ako sa tagiliran ayun dun ko nalaman na nanonood din pala yung teacher ko ng Mask Man at hindi magandang gamitin ang Opening Music sa Music Lesson masakit sa tagiliran
- Mask Rider Black
- Eto ang pinaka Astig sa lahat inaamin ko namolestiya nito ang murang kaisipan ko mula sa pagpapatunog ng buto sa kamay pagwawasiwas at sisigaw ng "RIDER CHANGE" at magpapalit ng anyo ng isang mamang may helmet na mukhang bangaw... sabay tatalunin ang kalaban gamit ang RIDER PUNCH at RIDER KICK... madalas may naoopis samin dati gawa ng paggaya sa rider kick at rider punch yung iba kasi pumuputok ang nguso pagkatapos ma rider kick o rider punch tapos may darating na magulang na gugulpi sa kanila... <*Music Cue Kapag may natatalong kalaban si Mask Rider Black "tenenentenenenetenenenetenenentenenennenen"*>
- Bioman
- Kung Formation, Kulay, at Synchronization lang ang labanan walang tatalo sa mga to... astig din ang Opening nila pero balik tayo sa team up nila.

alam na alam nila kung san pupuwesto at kung ano ang gagawin nila... pwedeng pwede silang mga dancer, atleta at matitinong goverment officials sa linis at ayos ng galaw nila... dati nga may nakaaway ako sa lugar namin habang naglalaro ng kunwariang bio man kasi pinipilit niya siya si blue three eh gusto ko ako si blue three pero di ako nakapalag kasi mas malaki siya sakin kaya pinili ko na lang si yellow four na may halong sama ng loob
- Machine Man
- Nababaduyan ako sa bidang to pero ang totoo sinusubaybayan ko parin siya kahit na ang sidekick niya eh bola ng base ball na ang laging gawain eh umiyak kpag binabato... kahit na mukhang geek yung bida... kahit na plastik ang kapa nito... at lalo na sa lahat kahit na parang siyang may hydrosepalus kapag suot niya yung helmet niya
- Ultraman
- di ko masyadong tanda si ultraman maliban na lamang sa pagiging mukhang isda niya at paglolowbatt ng ilaw sa dib dib niya naging trend narin namin nung bata ang pag lagay ng tansan sa dibdib at maging si ultra man habang tinitira ng ultra beam yung mga asong nakatali at tumatahol samin...
kung hindi ko man naidag dag yung iba na alam ko nangangahukugan na hindi ko na appreciate yung kwento, magagarbong entrance at exageration tulad ng FIve man na napakaraming robot... jet man na hindi ko nagustuhan ang storyline... at yung superhero na nakalimutan ko ang pangalan na nakacustome ng pula at binabala sa kanyon kapag susugod sa kalaban... Very Nostalgic ika nga... maswerte narin ako naabutan ko tong panahon na to d tulad ngayon na tuwing hapon ng sabado at linggo showbiz ang napapanood ko...
Tulad ng pagsakay sa Bus walang pakielamanan... basta ang mahalaga makapunta sa dapat puntahan bayad sa kundoktor kuha ticket at ayun may sarili nang mundo... tila meron akong napansin...
Sa Rehimen ni Pangulong Manuel L. Quezon Inayos ang kalsadang "19 de Junio" o kilala bilang "Highway 54" at mas kilala din bilang "EDSA"
Napakalawak ng EDSA meron itong dalawampu at apat na kilometrong haba mula Pasay hanggang Monumento. Maaring umandar ang apat na bus o higit pa sa magkabilang hanay ng magkakasabay, inapatutupad ang batas ng "Number Coding Scheme"... Bawat Lugar may mga Traffic Enforcer... may maayos na Traffic Light... may malilinaw at madaling mabasa na Traffic Signs... May mga Malalaking Karatula na nagaabiso sa mga tao na "Bawal Tumawid" o kaya eh "Bawal Sumakay"...
Ayon sa Website ng LTO meron tayong siyamnapu at pitong batas trapiko na may multang naglalaro mula limandaang piso hanggang limampung libong piso... parusang pagkakakumpiska ng lisensiya at sasakyan...
Pero sa kabila ng mga batas, luwag ng edsa, naglalakihang mga paunawa sa mga pedestrian at motorista at dami ng mga traffic lights:
- Mainit parin ang ulo nila manong drayber
- May mga tumatawid parin sa lugar na hindi dapat tawiran
- Humihinto sa sa lugar na hindi dapat
- Nagbababa ng pasahero at nagsasakay sa hindi dapat
- Mga bumabangga sa concrete barrier
- Mga bulok na katwiran ng mga irresponsableng motorista na nagpapaandar ng mabilis
- At higit sa lahat ang mga buhay na nawawala dahil sa mga aksidenteng sinasabing hindi maiwasan
Kalahating siglo na ang nakakaraan ng mabuhay ang EDSA pero ganito parin... may nagsasabi dati na ang mabilis at maayos na transportasyon ay isang magandang halimbawa ng umuunlad na bansa... pero ang usad pagong na andar ng sasakyan sa EDSA... nagpapakita ng isang halimbawa ng mabagal na pagunlad... at hindi pagsunod ng kababayan nating pasahero at motorista sa Batas Trapiko...