Ang Dakila Dila (Uno)

Posted on 12:06 PM, under


galit ka sa gobyerno mo, galit ka sa mga pulitiko
bakit hindi ka tumingin sa salamin, hipokrito
mga hinaing at masasakit na salita'y binibitawan
sa mga namumuno sa bayan mong sinilangan

pero hindi mo ba napapansin sa iyong sarili
gawain mo lamang ay magturo gamit ang daliri
sisi ay ibinabato sa mga kurap na nanunungkulan
sila ay nariyan dahil din sa iyong kapabayaan

ikaw ang dahilan bakit may mga taong nanlilimos
kung bakit ang kasadlakan sa bansang ito ay lubos
ikaw ang dahilan kung bakit marami ang nagtitiis
sa bayang napuno na ng mga lungkot at paghahapis

ang tanging nais mo lamang naman ay magbigay puna
pagpapahalaga mo sa bayang ito ay tila kaduda-duda
bawat kilos ng pamahalaan ay binibigyan ng pansin
ngunit sa iyong sarili hindi mo din alam ang dapat gawin

sa susunod na halalan ay wag kanang magtaka
kung sila parin ang mga nakikita mong bumibida
sa katangahan mong hindi pagboto para sa pagbabago
napipilitang magdesisyon ang nauuto at ang mga bobo

mga bagay na iyong ipinaglalaban at iyong isinisigaw
hindi mabibigyang katuparan kung hindi ka gagalaw
magningas ka na parang apoy at bigyan sila ng ilaw
hindi ka magiisa, magkatulong tayo ako at ikaw

edit post

0 Reply to "Ang Dakila Dila (Uno)"