Ang
"Demokrasya" ang pagkakapantay pantay, isang uri ng pamahalaang
nagbibigay sa mga nasasakupan nito nang kalayaan, kapangyarihan at karapatang:
- Kapangyarihang bumoto ng mga pulitikong magagaling kumanta, sumayaw, mangako at higit sa lahat maganda magbigay ng presyo sa boto.
- Kalayaang mag cutting classes.
- Kalayaang mag DOTA magdamag.
- Kalayaang mag SWAG
- Kapangyarihang piliin ang hindi na mag aral at makipag sapalaran na lamang sa pagiging tambay.
- Karapatang maghapong manood ng drama sa TV
- Karapatang bumuo ng Fans Club ng mga Artista.Matutong magbasa at magsulat para gumawa ng mga placard at streamers para sulatan ng mga pangalan ng paborito nilang love team. [example Kiara and Kenneth: KI-KE Loveteam]
- Kapangyarihang mag text vote para manalo ang paborito nilang contestant sa isang talent show
- Kalayaang mag post sa Facebook ng "here at the fort in the middle of the road bleeding been hit by a car #ouchbaby"
- Kalayaang mag post ng picture sa Instagram ng mga:
- mamahaling pagkain
- pag "chill" sa mamahaling bar sa Taguig/Timog
- itsura ng mga CR na mapupuntahan
- Kalayaang Maglasing, Mag-adik at Magmarunong
- Kapangyarihang hindi makielam.Kalayaang mag tweet kung gaano na katraffic sa edsa at kung gaano kabaho yung putok ng katabi mo sa MRT/LRT
- Karapatang malaman ang:
- Relationship Status ng Kasalukuyang Presidente.
- Update sa mga nag aaway na artista sa twitter
- Update sa mga mall tour ng paborito nilang Love Team
- Kung magkano na ang pot money ng Lotto
- at higit sa lahat kalayaang sisihin ang Gobyerno sa lahat ng pagkakamaling nagawa mo.
Ganyan ang kapangyarihan at lakas ng
demokrasya, kung saan walang pipigil sayo, sa mga kilos at gawain mo... malaya
ang bansang kinsasadlakan mo... maari mong gawin ang iyong naiisin... isipin mo
na lang kung ang bansa natin ay hindi demokratikong bansa, marahil ito ang
maaaring mangyari kung tayo ay kabilang sa bansang walang kalayaan:
- Ang kumpanya na nagsusupply ng kuryente ay pag mamay-ari ng isang pamilya o kaya pribadong sektor.
- Yayaman lalo ang mga mayayaman kasi magagawa nilang umiwas sa mga obligasyon nila sa buwis.
- Malulubog sa utang ang mga may kaya sa buhay kasi hindi sapat ang sinasahod nila sa trabaho
- Tatakutin ng mga mahihirap ang may kaya sa buhay, pinapakita na kapag hindi sila nag trabaho eh ang katayuan ng mga mahihirap ang kahihinatnan nila
- Kukulangin ng mga gamot at serbisyong pangkalusugan sa mga pampublikong ospital.
- Hindi sapat at ayos ang mga suportang edukasyon ng gobyerno at tataas ang porsyento ng mga hindi nakakatapos ng pag aaral.
- Sisisihin ng kasalukuyang administrasyon ang mga pagkukulang ng dating administrasyon.
- Ipagwawalang bahala na lamang ang mahihirap at hayaan silang mamatay.
- Ang media ay magkakaron ng adhikaing nagpapakita na sila ay malaya sa pagpapahayag ng katotohonan pero palihim na nakikipag negosasyon sa mga matataas na tao para hindi mailantad ang kamalian nila sa publiko.
- May mga banta ng terorismo at handang patumabahin ang kasalukuyang administrasyon.
- Mga nakaka antok na talumpati ng mga politiko tungkol sa polisiya na gusto nilang ipatupad para sa pansarili nilang interes.
- Nagkalat ang pananakit ng mga mga awtoridad at pag abuso sa kapangyarihan.