That's what i hate for Christmas

Posted on 7:16 PM, under


Call me the Grinch, Scrooge, an Entity that hates Christmas Season or to be much more to simplify call me "KJ". Pero hindi ba parang nakakapagod na yung ganitong season? taun taon madalas mong maencounter yung mga ganitong pangyayari, to the point na kinasanayan mo na. Ang makasanayan ang taun taong mga pangyayari tulad ng mga to:

The Traffic Jam - Magkabilaang sikip ng sasakyan, kung motorista ka ulo at itlog mo ang iinit sa sobrang bagal ng usad ng mga ito sa lansangan. Matagal nang may traffic given na naman yun eh, ang hindi ko lang magets eh ang dahilan ng pagiging exaggerated na sikip ng traffic na eto na mula sa mga susunod kong tatalakayin.

Sale Shopping Spree Madness - Midnight Sale, Bazaar, 3 Day Sale at kung anu ano pang mga offer na binibigay ngayon ng malls, basta lang makabili ka ng mga bagay na pag uwi mo eh pagsisisihan mo din kasi nga wala rin pala siyang silbi sa buhay mo. Yung lohika ng pag konsumo ng mga bagay na hindi naman ganun ka importante at hindi magkakaron ng malaking pagbabago ng kaginhawaan sa buhay mo. Just for the sake of sale? special offer? bakit hindi ka na lang pumunta sa cashier ng mga malls at ibigay yung pera mo since hindi mo naman ata alam kung paano yan pahalagahan at madali ka nilang nauuto sa mga "Special Offer" nila sayo.

Shitty Taxi Drivers - "Saan po kayo ser/ma'am?","traffic po dun eh hindi po ako dadaan dun" at "plus 50 pesos po". Dahil nga sa masikip na daloy ng sasakyan, paglabas pasok ng mga ito sa mga malls at pag hahatid at sundo sa mga pasyalan. Nagiging Mapili na sila sabi nga ng isang kaibigan ko yung nakasulat sa mga taxi nila na "any point from luzon" ay dapat nang palitan ng "any point from what i prefer". Sasamantalahin ang mga may mga dalang bata, mabibgat na bitbitin at yung mga nalasing na dahil galing nga sa party. Magpapadagdag ng 20 o kaya 50 kesyo ganito at ganyan, hindi na lang sabihin na "ma'am/ser dahil po sa magpapasko pakidagdagan na lang po yung ibabayad niyo".

The Gift of Giving - "It's the thought that counts", "Season of giving", "Season of Sharing" at "Exchange Gift". Kung magreregalo ka dapat lahat bibigyan mo, pagbibigyan mo lahat dapat pantay pantay para hindi magselos yung iba. "The Gift of Giving" hindi bukal sa kalooban mo ang magregalo, obligado ka! yun ang totoo kasi nga nageexpect ka na may magbigay sayo at yung binigyan mo eh obligado din magbigay, para walang "kahiyaan" para hindi ka masabihan nang "Nakakahiya naman to binibigyan ng regalo tapos hindi nagbibigay" at pagkatapos mong magbigay makakanchawan pa yung mga regalo mong tuwalya, panyo, wall clock, picture frame at kalendaryo. Tapos biglang babanat ng "It's the thought that counts" hindi ba parang katangahan yun?? thought that counts?? kapag nasira ok lang sayo kasi bigay naman. thought that counts?? pag natanggap mo at alam mo sa sarili mo na hindi mo nagustuhan eh. thought that counts?? perahin mo na lang hindi ka pa nahirapan kakaisip ng regalo para sa kanila.

Isama mo pa yung masisikip na pasyalan, mga namamaskong holdaper at yung mga nanay ng inaanak mo na well trained na kung paano lumapit sa mga ninong at ninang. nakakakamot ulong isipin na yung term na "Pasko" eh panahon ng pagbibigayan, hindi ba parang kaplastikan yun? yung pagiging generous mo eh "seasonal", at kailangan mong pagurin ang sarili mo, ubusin ang pera mo at basta masabihan lang ng mabait at mapagbigay kasi nga mabait ka lang sa araw ng Pasko...

edit post

Ang pitong aral ni Bretto...

Posted on 8:38 AM, under

    Ang babasahing ito ay pagbibigay pugay sa taong may kagila gilalas na talento sa mabilis na paggawa ng tulog, matulog sa upuan at mag ingay habang tulog, ang mga sumusunod ay ang mga aral na maaari mong gamitin sa pang araw araw: 



Una: "walang mas nakakaangat pa sa pagkatao mo tayo ay pantay pantay..."


 - hindi porke't ang sweldo mo ay tax lang ng sinasahod nila, kasing katawan niya si Derek Ramsey, o kasing gwapo niya si Piolo Pascual eh kailangan nang mas angat ang pagkatao niya sayo. Ang tao ay gumagamit ng kamay kapag kumakain at kamay din ang ginagamit pang hugas ng puwet pag katapos dumumi, walang pagkakaiba sa mga natural na gawain kaya dapat lamang ay magkaroon ng respeto at paggalang sa bawat isa.

Pangalawa: "wag na wag mong iyuyuko ang ulo mo sa harap ng ibang tao"

 - Inilathala niya sa unang aral ang pagkakapantay pantay ng pagkatao kaya't kailangan mong ipaglaban ang nasabing aral, ang pagyuko ng ulo at may kaharap na ibang tao ay isang uri ng hindi paggalang at isa ring senyales ng pagpapakita ng kahinaan at maari nilang gamitin ito laban sayo at yurakan ang moral ng pagkatao mo. 

Pangatlo: "maging kalmado sa mga hinaharap na suliranin"

 - "wag mauubusan ng composure" madalas niya itong sinasabi sakin, manatiling "focus" at wag mauubusan ng diskarte sa katawan. Ang mundo ay isang malaking palaisipan kaya kailangan mong magisip ng magisip hanggang magkaroon ka nang solusyon, isang magandang ehemplo dito ay ang mga lalakeng babaero at yung mga pulitikong madalas masangkot sa katiwalian sa gobyerno.

Pang apat: "magmahal lang ng isang babae at wag nang dagdagan pa..."

 - kasing cute mo man si John Lloyd o hindi, wag na wag kang mamamangka sa dalawang ilog. Ang kababaihan ay binibigyan nang matatamis na ngiti at hindi pinapaluha ang mga mata,  ano mang lakas ng tukso dapat marunong kang lumugar lalo na pag wala sa lugar yung itsura mo. Ang mga babaero ang dahilan kung bakit maraming babaeng nawawalan na nang tiwala sa mga tapat at magagandang lalakeng tulad ko.

Panlima: "wag na wag kang tatanggi sa mga biyaya"

 - wag kang mahihiya sa mga biyaya isa silang manipestasyon ng gantimpala na binibigay sayo, mapa suliranin o tulong matuto kang tumanggap ng mga ito lalo na ang mga alok na pagkain. Kailangan mong kapalan ang mukha mo at matutong hindi tumanggi sa mga binibigay sayo.

Pang anim: "do the slice and dice"

 - ang mundo ay hindi isang malaking komedya na may mga sumasayaw sa beach pagkatapos, o kaya ay isang telenobela na may maghahalikan sa huling parte ng palabas. Marahas ang mundong ito at hindi ito nakukuha sa mga "word of motivation" nila paulo coelho, mitch albom at kung sinu sino pang manunulat na nagbibigay ng mga positibong daan ng buhay, kailangan mong maging realistic at isabuhay ang mga bagay na alam mong hindi mo na mababago

Pampito: "huwag mauubusan ng Joke"

 - Ito ang pinakamahalaga sa lahat ang "pagtawa", kailangan mong maging masaya gaano man kabigat ang sitwasyong kinakaharap mo. Pasayahin ang iba o ang sarili para hindi mawalan ng composure, yan ang sikreto para tumagal sa kalunus lunos na buhay sa mundong ito.

Saglit ko lamang nakasama pero parang isang dekada kong naging maestro sa pitong aral na iniwan niya na bumuhay sakin sa industriyang pinasok ko.

edit post

Light to my Cigarette

Posted on 9:25 AM, under



i need to light my cigarette
puff away the cloud in my head
look back on my memoir and regret
for the things that i should do instead

i need to light my cigarette
to forget the words that she said
the first day that we have met 
and it’s last that i totally dread

i need to light my cigarette
keep calm and lie down on my bed
a heart filled with anguish and fret
will rest with tears that are unshed

i need to light my cigarette
whisper my prayer for the dead
smoke comes up a message has sent
finally it comes to an end


edit post

Mabuhay ang Demokrasya!

Posted on 11:42 AM, under

        Ang "Demokrasya" ang pagkakapantay pantay, isang uri ng pamahalaang nagbibigay sa mga nasasakupan nito nang kalayaan, kapangyarihan at karapatang:


  • Kapangyarihang bumoto ng mga pulitikong magagaling kumanta, sumayaw, mangako at higit sa lahat maganda magbigay ng presyo sa boto.
  • Kalayaang mag cutting classes.
  • Kalayaang mag DOTA magdamag.
  • Kalayaang mag SWAG
  • Kapangyarihang piliin ang hindi na mag aral at makipag sapalaran na lamang sa pagiging tambay.
  • Karapatang maghapong manood ng drama sa TV
  • Karapatang bumuo ng Fans Club ng mga Artista.Matutong magbasa at magsulat para gumawa ng mga placard at streamers para sulatan ng mga pangalan ng paborito nilang love team. [example Kiara and Kenneth: KI-KE Loveteam]
  • Kapangyarihang mag text vote para manalo ang paborito nilang contestant sa isang talent show
  • Kalayaang mag post sa Facebook ng "here at the fort in the middle of the road bleeding been hit by a car #ouchbaby"
  • Kalayaang mag post ng picture sa Instagram ng mga:
  • mamahaling pagkain
  • pag "chill" sa mamahaling bar sa Taguig/Timog
  • itsura ng mga CR na mapupuntahan
  • Kalayaang Maglasing, Mag-adik at Magmarunong
  • Kapangyarihang hindi makielam.Kalayaang mag tweet kung gaano na katraffic sa edsa at kung gaano kabaho yung putok ng katabi mo sa MRT/LRT
  • Karapatang malaman ang: 
  • Relationship Status ng Kasalukuyang Presidente.
  • Update sa mga nag aaway na artista sa twitter
  • Update sa mga mall tour ng paborito nilang Love Team
  • Kung magkano na ang pot money ng Lotto
  • at higit sa lahat kalayaang sisihin ang Gobyerno sa lahat ng pagkakamaling nagawa mo. 
Ganyan ang kapangyarihan at lakas ng demokrasya, kung saan walang pipigil sayo, sa mga kilos at gawain mo... malaya ang bansang kinsasadlakan mo... maari mong gawin ang iyong naiisin... isipin mo na lang kung ang bansa natin ay hindi demokratikong bansa, marahil ito ang maaaring mangyari kung tayo ay kabilang sa bansang walang kalayaan:
  • Ang kumpanya na nagsusupply ng kuryente ay pag mamay-ari ng isang pamilya o kaya pribadong sektor.
  • Yayaman lalo ang mga mayayaman kasi magagawa nilang umiwas sa mga obligasyon nila sa buwis.
  • Malulubog sa utang ang mga may kaya sa buhay kasi hindi sapat ang sinasahod nila sa trabaho
  • Tatakutin ng mga mahihirap ang may kaya sa buhay, pinapakita na kapag hindi sila nag trabaho eh ang katayuan ng mga mahihirap ang kahihinatnan nila
  • Kukulangin ng mga gamot at serbisyong pangkalusugan sa mga pampublikong ospital.
  • Hindi sapat at ayos ang mga suportang edukasyon ng gobyerno at tataas ang porsyento ng mga hindi nakakatapos ng pag aaral.
  • Sisisihin ng kasalukuyang administrasyon ang mga pagkukulang ng dating administrasyon.
  • Ipagwawalang bahala na lamang ang mahihirap at hayaan silang mamatay.
  • Ang media ay magkakaron ng adhikaing nagpapakita na sila ay malaya sa pagpapahayag ng katotohonan pero palihim na nakikipag negosasyon sa mga matataas na tao para hindi mailantad ang kamalian nila sa publiko.
  • May mga banta ng terorismo at handang patumabahin ang kasalukuyang administrasyon.
  • Mga nakaka antok na talumpati ng mga politiko tungkol sa polisiya na gusto nilang ipatupad para sa pansarili nilang interes.
  • Nagkalat ang pananakit ng mga mga awtoridad at pag abuso sa kapangyarihan. 
Kaya mabuti na lamang at tayo ay kabilang sa bansang may demokrasya... It's more fun in the Philippines talaga. Mabuhay ang Demokratikong Bansa at nawa'y magpatuloy pa ang Kalayaan natin... 




edit post

PAGKAKAIBA at PAGKAKATULAD

Posted on 10:45 AM, under


kahit kelan hindi to naging sa pagitan ng

Pop o RC

Mani o Kornik

Toyo o Patis

Pula o Puti

Tama o Mali

Kaliwa o Kanan

Tondo o Cavite

Umagang Kay Ganda o Unang Hirit

24 oras o TV Patrol

Willie Revillame o Joey De Leon

GMA o ABSCBN

Mayaman o Mahirap

Naaapi o Nangaapi

Marcos o Aquino

Administrasyon o Oposisyon

Babae o Lalake

Islam o Kristiyanismo

ito ay naging sa pagitan ng PAGKAKAIBA at PAGKAKATULAD... binuhay tayo sa sistema kung saan tayo hinahati... hinahati ng mga pulitiko, media at ng iba't ibang paniniwala... hinahati tayo sa pagkakaiba ng Kasarian, Paniniwala, Pagkaing dapat kainin, Lahi at mga bagay bagay na maaring pag ugatan ng walang kamatayang pagtatalo... lagi tayong hinahati, pinaghihiwalay at pinag aaway sa kadahilanang sila ay natatakot sa potensyal na kapangyarihan na meron tayo pag tayo ang nagkaisa...

edit post

Ang Dakila Dila (Uno)

Posted on 12:06 PM, under


galit ka sa gobyerno mo, galit ka sa mga pulitiko
bakit hindi ka tumingin sa salamin, hipokrito
mga hinaing at masasakit na salita'y binibitawan
sa mga namumuno sa bayan mong sinilangan

pero hindi mo ba napapansin sa iyong sarili
gawain mo lamang ay magturo gamit ang daliri
sisi ay ibinabato sa mga kurap na nanunungkulan
sila ay nariyan dahil din sa iyong kapabayaan

ikaw ang dahilan bakit may mga taong nanlilimos
kung bakit ang kasadlakan sa bansang ito ay lubos
ikaw ang dahilan kung bakit marami ang nagtitiis
sa bayang napuno na ng mga lungkot at paghahapis

ang tanging nais mo lamang naman ay magbigay puna
pagpapahalaga mo sa bayang ito ay tila kaduda-duda
bawat kilos ng pamahalaan ay binibigyan ng pansin
ngunit sa iyong sarili hindi mo din alam ang dapat gawin

sa susunod na halalan ay wag kanang magtaka
kung sila parin ang mga nakikita mong bumibida
sa katangahan mong hindi pagboto para sa pagbabago
napipilitang magdesisyon ang nauuto at ang mga bobo

mga bagay na iyong ipinaglalaban at iyong isinisigaw
hindi mabibigyang katuparan kung hindi ka gagalaw
magningas ka na parang apoy at bigyan sila ng ilaw
hindi ka magiisa, magkatulong tayo ako at ikaw

edit post