"Sometimes, there are moments that I feel I want to give away everything I have. Then I will realize what was truly important to me and what was not."
- Yujin Yoshimura
Nagpanting ang natutulog kong kamalayan ng minsan kong nabasa yang sinabi ng Schoolmate kong Hapon, parang minsan gusto niyang sirain ang lahat ng pag mamay-ari niya mapa materyal o di-materyal na bagay malaman niya lamang ang kahalagahan nito. Ano ang gusto niya iparating? mayroon siyang bagay na hindi napapahalagahan, "TOOK FOR GRANTED" sa ingles o sa tagalog eh "BASTA NA LAMANG NANDYAN AT HINDI NABIBIGYAN NG KAHALAGAHAN". Maari mong iapply sa maraming aspeto ang ganitong pag uugali, pero kung sa pahanon ngayon na ang perspektibo ng tao makarelate sa drama ng TELEBISYON, Pocket books at mga walang kamatayang payuhan sa radyo ilalapat na lang natin ito sa "PAG-IBIG".
Shet! pag-ibig "TAKEN FOR GRANTED" diba nakakabadtrip yan? yung mga taong walang commitment, walang "WORD OF HONOR", yung mga taong matitigas ang mukha na magsasabi nang "Peksman mamatay man ako" (Siguro kung nagkakatotoo yang "mamatay man ako" na salitang yan, wala na tayong problema sa Population Control No Need to Pass the RH BILL).
pag naging sila na kasi ayun ok na at pwede na ulit silang:
- Manligaw/Magpaligaw sa Iba at magsalita ng Peksman (Tang inang Peksman yan)
- Magpapicture na may yakap yakap na opposite sex(well kung hindi naman sa lalagyan ng malisya.. pero panu kung meron?)
- May mga ibang kinakalantari sa Social Media
- May mga ibang ka-chat
- May mga ibang ka-text
- Kapag nahuli eto ang isasagot:
" ________ ko lang yan" (Pumili sa ibaba ng sagot)
(Kaibigan/Classmate/Officemate/Pinsan/Pamangkin/Apo/Apo sa tuhod/Apo sa Talampakan/Aso/Aso ng kapitbahay/Pusa/Katulong)
Tapos kapag hindi naging effective ang sagot niya, magkakaron ng defense mechanism na kunyari magagalit, maninigaw, manunumbat at sasabihan ka ng "sakal na sakal na ako sayo wala na akong kalayaan", sabay makikipaghiwalay na parang nagtapon lang ng upos ng sigarilyo. Ang galing diba? nakakatarantado? Hindi man lang naisip na pinahahalagahan mo kung ano yung meron kayo, Mauuwi lang sa salitang "it's not about you, it's about me". nakakaputa diba? nagtiwala ka, binigay mo lahat ng pasensya, pinipilit mong ilaban yung relasyong nawawala, pero nakikita mo na hmmmm... ewan
"pahalagahan natin ang mga taong nagmamahal sa atin... madalas kampante tayo na di mauubos ang pagmamahal na iyon o di mawawala ang mga taong nagmamahal sa atin... pero me mga taong napapagod din... nagsasawa din... hindi dahil sa hindi tayo mahal... kundi mahal din nila ang sarili nila..."
- Unknown Author
Ang pagbibigay ng pagmamamahal ay maari mong ihambing sa katapangan ng isang mangingisda, pumapalaot sa Karagatan na walang katiyakan kung mapayapang makakabababalik sa pamilya niya. Ang pagbibigay ng pasensya naman ay maihahalintulad sa isang magsasaka na masalantaan man ng bagyo ang kanyang mga ani umaasa parin na magiging maayos din ang lahat. Pero kahit na kasing tapang nila si Sen. Miriam Santiago o kasing haba ng EDSA ang pasensya nila, tao parin silang maituturing nasasaktan at napapagod din.
"I have learned that some of the nicest people you’ll ever meet are those who have suffered a traumatic event or loss. I admire them for their strength, but most especially for their life gratitude - a gift often taken for granted by the average person in society."
- Sasha Azevedo
(Maganda yung quotes niya maganda din yung pangalan niya kapangalan niya yung favorite PornStar ko si Shasha Grey)
Saludo ako sa mga taong sumabak sa relasyon at napagwalang bahala, kumbaga sa Ingles eh ang "Relationship Status" eh "TAKEN... for Granted". Maaaring nawawalan na kayo ng tiwala at pagasa pero darating din ang araw na may taong magpapahalaga sa inyo yung mga taong magaalaga sa inyo, yung mga taong nakakaintindi ng salitang commitment at yung mga taong madaling utusan bumili ng suka, patis, toyo o kaya mantika yung isang tawag lang nandyan na at kakakawag kawag ang buntot. Dahil darating ang panahon yung mga taong minsang pinabayaan kayo ay magkakaron ng malaking kawalan kasi nga sabi nga ng Idol kong si Iris Murdoch:
"There is no substitute for the comfort supplied by the utterly taken-for-granted relationship."
Binigyan tayo ng Diyos ng emosyong pag-ibig hindi para magkalat lang ng lahi, magmotel at ipag malaki na madami kang tao na nauto sa pagsabi ng "Peksman Mamatay man ako ikaw lang ang mamahalin ko". Binigay to sayo para magawa mong pahalagahan ang mahal mo, ipakita sa kanya na bawat detalye ng pagaaruga at kalinga niya ay may kabuluhan at... at... sumayaw na lang tayo para matapos na tong usapan na to...