Let's Play Pinoy Henyo!

Posted on 6:46 PM, under

Timer Starts Now...

P1: Tao?
P2: Hindi

P1: Hayop
P2: Oo!

P1: May pagpapahalaga ba ito sa Edukasyon
P2: Hindi, Mas mahalaga ang Facebook sa kanila

P1: Eh sa Kultura natin?
P2: Hindi, Busy sila sa mga Tweet ni Kris Aquino

P1: Kilala nila si Kris Aquino?
P2: Oo, Sa kanya umiikot ang mundo nila

P1: May pagpapahalaga ba ito sa Kabataan?
P2: Oo, Kaya likas sila ng mga ito Sabi kasi ng Simbahang Katolika, Biyaya daw ito ng Diyos kahit na Salat sila sa Biyaya

P1: Eh sa Showbiz?
P2: Oo, lalo na pag Love Team

P1: Eh sa Telenobela?
P2: Oo, lalo na pag Love Story

P1: Kilala ba nito ang Pambansang Bayani natin?
P2: Oo, Si Manny Pacquiao daw...

P1: Eh Pambansang Dahon?
P2: Oo, Marijuana

P1: Eh Pambansang Hayop?
P2: Oo, nagkalat sa Kongreso

P1: Eh Pambansang Beer?
P2: Oo, Red Horse Hindi na Beer na Beer

P1: Eh Pambansang Ina?
P2: Oo, Si Ai ai

P1: Eh Pambansang Tagapagligtas?
P2: Oo, Si Willie Revillame (Sumayaw ka lang ng Konti may pera ka na)

P1: Tanga ba ang mga ito?
P2: Oo, Pero hindi nila alam

P1: Bobo ba ang mga ito?
P2: Oo, kasi hindi nila alam na Tanga sila

P1: Tahimik bang namumuhay ng mga ito?
P2: Hindi, Gabi gabi silang nagvivideoke

P1: Malaya ba ang mga ito?
P2: Oo, daw kasi Maraming Beses silang nag People Power

P1: Pinagkalooban ba ito ng malinis na Inuming Tubig?
P2: Hindi, Kailangan Pakuluan

P1: Eh Murang Kuryente?
P2: Pwede, pag Ilegal ang Linya mo

P1: Mura at Mataas na Kalidad ng Edukasyon?
P2: Hindi, Row 1 lang ang natuturuan

P1: Maayos na Pabahay?
P2: Hindi, Mas marami paring Squatter

P1: Mataas na Pasweldo sa Maliliit na Manggagawa?
P2: Hindi, Hanggang 13.25 lang daw ang itataas

P1: Marami bang Namamatay sa baha tuwing kasagsagan ng Malakas na Bagyo?
P2: Oo, Lalo na pag nakinig sila sa Maling Balita

P1: Eh sa mga nasusunog na Bahay sa Squatter's Area?
P2: Oo, Gawa ng Pagpapabaya sa mga Naiiwang Nilulutong pagkain o kaya eh Ilegal na linya ng Kuryente

P1: Marami bang namamatay na ganito sa Aksidente sa Kalsada?
P2: oo, Kasi laging Lasing

P1: Eh sa Himpapawid?
P2: Oo, Lalo na mga Sundalo kasi Panahon pa ni Mahoma yung gamit nilang Sasakyan

P1: Eh sa Karagatan?
P2: mas lalong Oo! Kasi Nakikinig sa Maling Balita

P1: Boss ba sila nung tiga Palasyo sa Mendiola?
P2: Oo, Kahit na yung Unggoy na yun eh Masagana ang Buhay

P1: Sunud-sunuran ba to sa Simbahang Katolika?
P2: Oo, yung mga kasapi nila

P1: Bumoboto ba ang mga ito?
P2: Oo, Para may Nabebenta sila

P1: Nauuto ba sila ng Mga Politiko?
P2: Oo, Kasi daw idadaan daw sila sa daang matuwid

P1: Naabuso ba ang mga mangagawa nila na naghahanap buhay sa labas ng bansa?
P2: Oo, tinitiis na lang para mas malaki ang sweldo

P1: Natuto na ba sila sa kanilang pagkakamali?
P2: Hindi, kasi hanggang ngayon Bobo parin sila

P1: Magiging Masagana na ba ang Buhay nila sa Administrasyong ito?
P2: Hindi, kasi hindi na sila natuto...

P1: Alam ko na ang sagot....
<*Time is Up!*>


edit post

"Sometimes, there are moments that I feel I want to give away everything I have. Then I will realize what was truly important to me and what was not."
- Yujin Yoshimura

Nagpanting ang natutulog kong kamalayan ng minsan kong nabasa yang sinabi ng Schoolmate kong Hapon, parang minsan gusto niyang sirain ang lahat ng pag mamay-ari niya mapa materyal o di-materyal na bagay malaman niya lamang ang kahalagahan nito. Ano ang gusto niya iparating? mayroon siyang bagay na hindi napapahalagahan, "TOOK FOR GRANTED" sa ingles o sa tagalog eh "BASTA NA LAMANG NANDYAN AT HINDI NABIBIGYAN NG KAHALAGAHAN". Maari mong iapply sa maraming aspeto ang ganitong pag uugali, pero  kung sa pahanon ngayon na ang perspektibo ng tao makarelate sa drama ng TELEBISYON, Pocket books at mga walang kamatayang payuhan sa radyo ilalapat na lang natin ito sa "PAG-IBIG". 

Shet! pag-ibig "TAKEN FOR GRANTED" diba nakakabadtrip yan? yung mga taong walang commitment, walang "WORD OF HONOR", yung mga taong matitigas ang mukha na magsasabi nang "Peksman mamatay man ako" (Siguro kung nagkakatotoo yang "mamatay man ako" na salitang yan, wala na tayong problema sa Population Control No Need to Pass the RH BILL). 

pag naging sila na kasi ayun ok na at pwede na ulit silang:

- Manligaw/Magpaligaw sa Iba at magsalita ng Peksman (Tang inang Peksman yan)
- Magpapicture na may yakap yakap na opposite sex(well kung hindi naman sa lalagyan ng malisya.. pero panu kung meron?)
- May mga ibang kinakalantari sa Social Media
- May mga ibang ka-chat
- May mga ibang ka-text
- Kapag nahuli eto ang isasagot:
  " ________ ko lang yan" (Pumili sa ibaba ng sagot)

(Kaibigan/Classmate/Officemate/Pinsan/Pamangkin/Apo/Apo sa tuhod/Apo sa Talampakan/Aso/Aso ng kapitbahay/Pusa/Katulong)

Tapos kapag hindi naging effective ang sagot niya, magkakaron ng defense mechanism na kunyari magagalit, maninigaw, manunumbat at sasabihan ka ng "sakal na sakal na ako sayo wala na akong kalayaan", sabay makikipaghiwalay na parang nagtapon lang ng upos ng sigarilyo. Ang galing diba? nakakatarantado? Hindi man lang naisip na pinahahalagahan mo kung ano yung meron kayo, Mauuwi lang sa salitang "it's not about you, it's about me". nakakaputa diba? nagtiwala ka, binigay mo lahat ng pasensya, pinipilit mong ilaban yung relasyong nawawala, pero nakikita mo na hmmmm... ewan

"pahalagahan natin ang mga taong nagmamahal sa atin... madalas kampante tayo na di mauubos ang pagmamahal na iyon o di mawawala ang mga taong nagmamahal sa atin... pero me mga taong napapagod din... nagsasawa din... hindi dahil sa hindi tayo mahal... kundi mahal din nila ang sarili nila..."

- Unknown Author

Ang pagbibigay ng pagmamamahal ay maari mong ihambing sa katapangan ng isang mangingisda, pumapalaot sa Karagatan na walang katiyakan kung mapayapang makakabababalik sa pamilya niya. Ang pagbibigay ng pasensya naman ay maihahalintulad sa isang magsasaka na masalantaan man ng bagyo ang kanyang mga ani umaasa parin na magiging maayos din ang lahat. Pero kahit na kasing tapang nila si Sen. Miriam Santiago o kasing haba ng EDSA ang pasensya nila, tao parin silang maituturing nasasaktan at napapagod din. 


"I have learned that some of the nicest people you’ll ever meet are those who have suffered a traumatic event or loss. I admire them for their strength, but most especially for their life gratitude - a gift often taken for granted by the average person in society."

- Sasha Azevedo
(Maganda yung quotes niya maganda din yung pangalan niya kapangalan niya yung favorite PornStar ko si Shasha Grey)

Saludo ako sa mga taong sumabak sa relasyon at napagwalang bahala, kumbaga sa Ingles eh ang "Relationship Status" eh "TAKEN... for Granted". Maaaring nawawalan na kayo ng tiwala at pagasa pero darating din ang araw na may taong magpapahalaga sa inyo yung mga taong magaalaga sa inyo, yung mga taong nakakaintindi ng salitang commitment at yung mga taong madaling utusan bumili ng suka, patis, toyo o kaya mantika yung isang tawag lang nandyan na at kakakawag kawag ang buntot. Dahil darating ang panahon yung mga taong minsang pinabayaan kayo ay magkakaron ng malaking kawalan kasi nga sabi nga ng Idol kong si Iris Murdoch:

"There is no substitute for the comfort supplied by the utterly taken-for-granted relationship."

Binigyan tayo ng Diyos ng emosyong pag-ibig hindi para magkalat lang ng lahi, magmotel at ipag malaki na madami kang tao na nauto sa pagsabi ng "Peksman Mamatay man ako ikaw lang ang mamahalin ko". Binigay to sayo para magawa mong pahalagahan ang mahal mo, ipakita sa kanya na bawat detalye ng pagaaruga at kalinga niya ay may kabuluhan at... at... sumayaw na lang tayo para matapos na tong usapan na to...

edit post