Sa pataas na pataas na krimen sa bansan natin, natataon na bang ibalik ang "Death Penalty" o "Parusang Kamatayan"? Sabi nga ni Secretary De Lima "Death penalty is not the solution to criminality. What deters criminality is faithful and diligent enforcement of laws and due administration of the criminal justice system without fear or favour", tama nga naman kung mabibigyan ng maayos na pagpapatupad ng batas maaari nga naman nitong pabababain ang kriminalidad na bumabalot sa lugar natin. Hindi na natin kailangan ng "Death Squad" o "Vigilante" para linisin ang lugar nating binabalutan nang masasamang elemento. Pero ang tanong, naging epektibo ba ang "Reclusion Perpetua" o ang tinatawag nilang "Lifetime Imprisonment"? Nagagawa ba nating parusahan ng wasto ang mga kriminal? Nagagawa ba nating takutin ang mga nagbabalak gumawa ng krimen?
Epektibo ba ang "Lifetime Imprisonment"?
30 hanggang 40 taong pagkakabilanggo, kapag naging good boy/good girl ka at hindi ka napatay sa loob o pumatay habang nasa loob pwede kang palayain ng mas maaga pa. Pwede kang magsimulang muli na magbagong buhay, pero hindi ka nga lang makakahanap ng agad agarang trabaho kasi nga "ex-convict" ka. Hindi mo rin maiwasang mahusgahan ng mga kamaganak at mga kapitbahay mo, at dahil sa bagong laya ka mataas ang posibilidad na maraming matakot at hindi magtiwala sayo.
Napaparusahan at Natatakot ba ang mga Kriminal?
Pagpatay (Sinasadya man o hindi), Panggagahasa at ang pagkakaroon, paggamit at pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot. Ito ang mga krimen na may gawad parusa ng "reclusion perpetua". Kapag napatunayan ng hukuman ang kasalanan mo, pinakamababa na ang tatlumpung taon na paghimas mo sa rehas na bakal. Naisip ko lang ito bang mga gumagawa ng "Henious Crime" na ito, sa tingin niyo ba nagagawa pa nilang matakot sa parusang "Habangbuhay na pagkakabilanggo"? Sa palagay ko eh hindi, masyadong magaan ito at hindi tumatayo ang mga balihibo ng isang kriminal na handang kumitil ng buhay para sa pansarili niyang adhikain. hindi yan takot mamatay kasi nagagawa na nga nilang ipagsapalaran ang buhay nila sa kalsada, hindi na nila alintana ang bangis ng lungsod at handa na sila mamamatay.
Solusyon
Kung gusto niyo ng may natatakot isama mo sa Death Penalty ang "Graft and Corruption" at "Money Laundering" sa lahat ng mga pulitikong may katungkulan sa Gobyerno. Yan ang mga taong takot mamatay, kasi malakas ang loob nilang magnakaw sa kaban ng bayan at pag nabibisto sila bigla silang nagkakasakit. Ang sakit ay nagiging malubha at sa sobrang lubha nito kailangan nilang dalhin sa ibang bansa para ipagamot. Ganyan katindi ang takot nilang mamatay. Handa silang umubos ng limpak limpak na salapi para lamang gumalng sa biglaang karamdaman na dumadapo sa kanila, kasabay ng mga kaso ng katiwalian na kinasasangkutan niya. Kapag isinama ang mga ganitong krimen hindi na din magiging epektibo ang "Lifetime Imprisonment", gagawin lang nilang bahay bakasyunan ang selda nila. Nakakulong habang may aircon, TV, Ref, washing machine, videoke machine at Mini Bar ang loob ng selda nila. Walang pinagkaiba sa dito sa labas nagagawa paring mag enjoy, habang nagtitika sa mga kasalanang nagawa niya. Mas maiging gawing "Capital Punishment" na ang ay "Death Sentence", ika nga ni Mario Puzo "Revenge is a dish that tastes best when served cold." dapat lang na patayin ang mga nagkakasala at nagtataksil sa mga mamamayan na pinaglilingkuran nila. At dahil sa kapos tayo sa budget sa mga Bala para sa Firing Squad, mataas na singil ng kuryente para sa Silya Elektrika at Magastos ang pagbili ng Chemical para sa Lethal Injection, pwede nating gawing "Old School" ang pagbitay gamitin natin ang "Garrote".
Epektibo walang konsumo sa kuryente, walang balang masasayang at walang chemical na bibilhin. Sasakalin mo lng siya hanggang sa matanggalan ng hangin sa ulo at ayun tapos na, malinis na malinis walang pagkakagastusan ng malaki. Pero teka lang sa kadahilanang hirap tayong lumikom ng budget para sa pagpapaunlad ng ating bansa, isa narin sigurong magandang oportunidad ito upang mapalago ang Budget ng Pilipinas. Bakit hindi natin itelevised ang pagbibitay para maka kuha pa tayo ng mga sponsors, at dahil sa magiging maintriga ang programang ito mas maganda kung ang pagpapalabas nito ay kasabay ng mga Telenovela. Paniguradong tataas ang Ratings at isang magandang oportunidad narin para dumami ang mga mag pa plug ng commercials nila. Sa ganitong paraan maaring dumami ang nalilikom nating budget at maging senyales narin ng pagunlad ng ating bansa, Isipin mo pinapatay mo ang Kurakot at Nakakalikom pa tayo para sa Budget ng Pilipinas.
Matagal nang nadungisan ang mga kamay natin, matagal na rin tayong nagiging tanga o nagtatangatangahan. Kung kumitil man tayo ng buhay ay sa kadahilanang 'masyado na tayong napupuno sa lahat ng panggagago na ginagawa satin, hindi na kailangang maging malambot at magbigay lugar sa awa. Oras mo na maging berdugo at tapusin ang katarantaduhang ito.