Ang pitong aral ni Bretto...

Posted on 8:38 AM, under

    Ang babasahing ito ay pagbibigay pugay sa taong may kagila gilalas na talento sa mabilis na paggawa ng tulog, matulog sa upuan at mag ingay habang tulog, ang mga sumusunod ay ang mga aral na maaari mong gamitin sa pang araw araw: 



Una: "walang mas nakakaangat pa sa pagkatao mo tayo ay pantay pantay..."


 - hindi porke't ang sweldo mo ay tax lang ng sinasahod nila, kasing katawan niya si Derek Ramsey, o kasing gwapo niya si Piolo Pascual eh kailangan nang mas angat ang pagkatao niya sayo. Ang tao ay gumagamit ng kamay kapag kumakain at kamay din ang ginagamit pang hugas ng puwet pag katapos dumumi, walang pagkakaiba sa mga natural na gawain kaya dapat lamang ay magkaroon ng respeto at paggalang sa bawat isa.

Pangalawa: "wag na wag mong iyuyuko ang ulo mo sa harap ng ibang tao"

 - Inilathala niya sa unang aral ang pagkakapantay pantay ng pagkatao kaya't kailangan mong ipaglaban ang nasabing aral, ang pagyuko ng ulo at may kaharap na ibang tao ay isang uri ng hindi paggalang at isa ring senyales ng pagpapakita ng kahinaan at maari nilang gamitin ito laban sayo at yurakan ang moral ng pagkatao mo. 

Pangatlo: "maging kalmado sa mga hinaharap na suliranin"

 - "wag mauubusan ng composure" madalas niya itong sinasabi sakin, manatiling "focus" at wag mauubusan ng diskarte sa katawan. Ang mundo ay isang malaking palaisipan kaya kailangan mong magisip ng magisip hanggang magkaroon ka nang solusyon, isang magandang ehemplo dito ay ang mga lalakeng babaero at yung mga pulitikong madalas masangkot sa katiwalian sa gobyerno.

Pang apat: "magmahal lang ng isang babae at wag nang dagdagan pa..."

 - kasing cute mo man si John Lloyd o hindi, wag na wag kang mamamangka sa dalawang ilog. Ang kababaihan ay binibigyan nang matatamis na ngiti at hindi pinapaluha ang mga mata,  ano mang lakas ng tukso dapat marunong kang lumugar lalo na pag wala sa lugar yung itsura mo. Ang mga babaero ang dahilan kung bakit maraming babaeng nawawalan na nang tiwala sa mga tapat at magagandang lalakeng tulad ko.

Panlima: "wag na wag kang tatanggi sa mga biyaya"

 - wag kang mahihiya sa mga biyaya isa silang manipestasyon ng gantimpala na binibigay sayo, mapa suliranin o tulong matuto kang tumanggap ng mga ito lalo na ang mga alok na pagkain. Kailangan mong kapalan ang mukha mo at matutong hindi tumanggi sa mga binibigay sayo.

Pang anim: "do the slice and dice"

 - ang mundo ay hindi isang malaking komedya na may mga sumasayaw sa beach pagkatapos, o kaya ay isang telenobela na may maghahalikan sa huling parte ng palabas. Marahas ang mundong ito at hindi ito nakukuha sa mga "word of motivation" nila paulo coelho, mitch albom at kung sinu sino pang manunulat na nagbibigay ng mga positibong daan ng buhay, kailangan mong maging realistic at isabuhay ang mga bagay na alam mong hindi mo na mababago

Pampito: "huwag mauubusan ng Joke"

 - Ito ang pinakamahalaga sa lahat ang "pagtawa", kailangan mong maging masaya gaano man kabigat ang sitwasyong kinakaharap mo. Pasayahin ang iba o ang sarili para hindi mawalan ng composure, yan ang sikreto para tumagal sa kalunus lunos na buhay sa mundong ito.

Saglit ko lamang nakasama pero parang isang dekada kong naging maestro sa pitong aral na iniwan niya na bumuhay sakin sa industriyang pinasok ko.

edit post