Educational and Entertaining? Nasan na nga ba sila ngayon?

Tulad ng ibang bata na may magulang na nagtatrabaho sa ibang bansa, lumaki ako sa lolo at lola... sila ang nag-alaga sakin at di tulad ng ibang nagaalaga hindi ako pinalaki sa Telebisyon kahit may TV kami noon sa kapitbahay parin ako nanunuod yung mga palabas nung mga bandang alas 10 ng umaga sa channel 2, yung kampanya nila sa "knowledge channel" naging effective siya noon maraming batang natuto sa Sineskwela, Mathinik, ATBP(Awit Titik at Bilang Pambata), Hiraya Manawari at Bayani, sabayan pa ng mga animated cartoon na hango sa mga klasikong libro ang "Princess Sarah", "Little Lord Fauntleroy (Prince Cedie)", "A Dog of Flanders", "Nobody's Girl (Remy)", "Heidi", "The Black Brothers (Mga Munting Pangarap ni Romeo)", "Peter Pan", "Snow White", "Cinderella" atbp.

Pero sa panahon ngayon tila nawala na yata sila mas nabigyang halaga na ang mga buhay ng mga artista at pinaguusapan na sila ngaun, nagkaroon nga ng mga animated cartoons pero hindi gawang atin hindi nito tinuturo sa mga bata kung anu ang "balut" ang mga pambansang prutas, hayop, puno, bayani at ang Alpabetong Pilipino. 

Tanging sa loob na lang talaga ng silid aralan ito naituturo, ituturo sa isang silid na may apat na pung upuan at nagkakasya ang anim na pung magaaral. Nagtitiis sa init at sikip ng silid aralan, nagtatiyaga isang electric fan dahil sira ang isa. Maiingay, Magugulo at Tanging ang mga nasa harap lang ang natututo. Makikinig sa teacher na hindi natatapos ang leksyon kakasaway sa mga batang malilikot at maiingay.


"Educational and Entertaining" yan yung naging krusada dati ng batibot maihatid sa bawat kabataan ang karunungan na nakakaaliw, Naging makapangyarihan instrumento ang telebisyon kaya ginamit ito ng batibot para gampanan ang obligasyon ng mga magulang at guro na ituro ang mga may napupulot na mahahalagang aral sa pamamagitan lamang ng mga kanta (alin ang naiba, pag gising sa umaga, kung hindi pwede). Nawala sila tulad ng lahat ng bagay na nililipasan ng panahon nakakalungkot isipin, kung anu pa yung nakakapagbigay kasiyahan sa kabataan para matuto magbasa, magsulat, magbilang, maging responsable at maging magalang eto pa yung nawala. 

Tila naging mas mahalaga pa ang pagpapakita ng mga talento sa pagsasayaw, pagkanta at pagkain ng bubog kesa gawing magalang ang mga bata. Mas naging ok pa na pagusapan ang mga tweet ng artista at kung anu ano ang ginagawa sa pang araw araw kesa sa magbigay ng kaalaman. Nakakatakot isipin na darating ang panahon magaaral na lang ang kabataan para lang matapos ng elementarya at hayskul para lang makasali sa mga gameshow at manalo at yumaman. iaasa ang kinabukasan sa mga palaro sa telebisyon.

Magiging paawaan ang sistema, papangitan ng bahay, paliitan ng sahod at pahirapan ng buhay. sa ganitong sistema ba naeentertain ang tao? sabagay gawain naman ng plipino ang maawa siguro katanggap tanggap na maentertain ang mga tao dito. kapupulutan ba ng aral? pwede matuto sa pagkakamali ng iba. pero ang tanong pano mo ba magagawang hindi matulad sa kinsasadlakan nila? Edukasyon? wag na lang... magpractice ka na lang sumayaw o kaya pagaralang lumubid sa alambre para makasali ka sa mga talent shows pero make sure na Gwapo ka at marunong kang magpaawa para makuha mo ang boto nila.

Sa panahon ngayon malaki na ang naibigay na kontribusyon ng telebisyon sa pag unlad natin... (pag-unlad saan? sa drama ng tele nobela?) at pagtulong sa pag angat ng moralidad ng bawat mamayan (nagkaroon ba tayo ng moralidad? teka meron ba talaga tayo nun?).

edit post