R U A Phil. Presidensyabol?

Posted on 8:38 AM, under

   Mula sa natatagong yaman ni Makoy, sa Repormang palupa ni Nanay, sa overprice na Clark Centennial Expo ni Mr. Tobacco, sa compulsive na pagsusugal ni PARE, sa Ganid na pamilya ni Madam, at sa mamahaling kotse ni Mr. Bachelor... 
    Noong buhay pa ang website ng bobong pinoy may exam dun kung qualified ka ba para maging "PRESIDENSYABOL" isang maikling pagsusulit na susukat sa kakayahan mo at para malaman kung sinilang ka ba sa mundo para maging presidente, pero sa pananaw ko (lagi namang pananaw ko) may mga primary requirements para maging presidensyabol eto ang mga sumusunod na propesyon na maari mong pasukin bago ka sumabak sa karera ng pagiging Presidente:

  1. Waiter - kapag pinatakbo mo ang bansa natin kailangan mong pakinggan ang lahat ng hinaing ng taong bayan, tulad ng isa Waiter na kuha lang ng kuha ng order ng customer. Lahat ng yan gagawin mo at kailangan matapos mo yan sa lalo't madaling panahon dahil pag hindi mo nagawa magwawala sila at maari ka nilang tanggalin sa trabaho. Wala silang pakielam kahit na sila mismo kayang gawin ang inuutos nila basta ipapasa sayo at siyempre ikaw ang sisisihin sa huli.
  2. Genie in da Lamp - Dapat marunong kang tumupad ng mga wish at pangako dahil tulad ng isang Genie na nasa lampara alipin ka nila, dapat marunong ka din mag magic. gawin ang imposible at pag hindi mo nagawa tatakutin ka nila at wala kang magagawa kundi lumaban sa kanila pero wala ka paring magagawa kasi sila parin ang masusunod talo ka at panalo sila.
  3. Corporate Employee - karamihan ng mga Boss naglalagay ng mga tao sa isang partikular na posisyon para ipasa ang responsibilidad nila dito, nang sa gayon pag hindi na kinaya ng nakuha nila walang puso nilang tatanggalin at papalitan. kapag nagkaron ka na ng ganitong karanasan kahit hindi mo na kailanganin pang maging Genie o kaya eh Waiter. sapat na ito para pasukin ang karera bilang presidente.
Kapag may Experience ka na sa mga propesyon na yan, good to go ka na bilang Presidente, dahil ang magiging Boss mo, mapanuri, mapangutya, at walang kakayahang intindihin ang sitwasyon mo, hindi nila naiisip kung nahihirapan ka na ba at kailangan mo na ba ng tulong. Hindi din nila naiisip kung ano ba ang maari nilang maitulong para gumaan ang trabaho mo, bagkus titignan ka nila at pupunahin lahat ng kilos mo. Kapag may nagawa kang tama sasabihin nila na kulang, pag may mali kang nagawa uulanin ka ng batikos at papalitan ka na lamang nila, para bang nasirang gamit na itatapon na lamang pagkatapos pakinabangan. 

Sasabihin nila na sila ang nagdurusa at ikaw ang nagpapakasasa sa rangya ng buhay, sila ang kawawa sila ang naghihirap, hindi makaahon sa buhay na kinasadlakan nila dahil sayo! ikaw ang may kasalanan ng lahat. Gagawa sila ng imahe mo para batuhin ng kamatis, lagyan ng sungay at sunugin sa harap ng lente ng mga media na pinagkakakitaan ang ginagawang pagpapahiya sayo. 

ikaw ang may kagagawan kung bakit wala silang trabaho dahil hindi mo sila mabigyan, ikaw ang dahilan kung bakit nagugutom ang pamilya nila dahil ayaw mo silang ihanap ng pagkain, ikaw ang dahilan kaya mang mang sila dahil ayaw mong ituro ang pinaka madaling daan sa karunungan. Dapat lahat binibigay mo, dapat lahat kaya mo kasi ang buhay nila ay ang pagasa na lamang sayo...

kapag nagawa mo nang gampanan yan pwede ka nang Presidente

"The Truth will set you free but it will piss you first" - nakuha ko lang sa YM yan nabasa ko

edit post