Kung ikaw ay magbabasa neto at nararamdaman mong hindi maganda ang titulo ng gawa ko, maari mo nang isara ang window na to at ipag patuloy na lamang ang pag browse sa facebook. Sa dalawang ulit kong pagboto marami na akong napansin at sapat na siguro na tumigil na sa isang gawain na ang tanging layunin lamang ay ipakita na kunwari ang mga mamamayan ay may kapangyarihang baguhin ang bansang ito.


1.  Politicians and It's Origin.

      - Alam niyo ba kung saan galing yang mga politikong yan? hindi naman sila instant cup noodles na lagyan lang ng mainit na tubig at within 5 minutes eh nariyan na para mangampanya, sa atin din naman nanggaling ang mga yan. Lumaki at hinubog sa Pamilyang Pilipino, Edukasyong Pampilipino, Relihiyong pampilipino at uri at sistemang pampilipino, bakit magtataka ka pa kung bakit naging ganyan kabulok ang sistema ng Pulitika sa bansa. "Kung ano ang tinanim yun din ang aanihin"


2.  Vote and Complain

     - Hindi ko lubos maisip kung bakit pagkatapos nating bumoto nagagawa nating mag reklamo sa mga kapalpakan ng mga politiko. Politikong minsang lumapit sa iyo nang nakangiti at nakikipag kamay, at matapos ang botohan ay hindi mo na malaman kung natupad niya nga ba ang tungkulin niya. Tayo din naman ang mga pumili sa mga yan, kaya wala naman talaga tayong karapatan para magreklamo sa mga maling ginagawa nila. 


3.  Heroes and when you need them

      - Nandun na tayo sa puntong lagi tayong nalilinlang ng mga matatamis na salita ng mga politikong iyan, pero may mga kumikilos ba para tapusin ang paulit ulit na sistemang nangyayari satin? wala! kasi walang naman talagang ganoong pilipino, abala tayo sa mga game shows tuwing tanghali at mga drama tuwing gabi, ni hindi nga natin nagagawang magreklamo sa mga balitang nilalathala sa telebisyon eh. Mas pinipili pa nating magbabad sa mall at kunan ng picture yung mga pagkaing binili natin.


4.  That's Entertainment!

        - Pinaghalong drama at action ang bangayan nila sa interview na ang labas naman ay komedya, mahilig kasi tayo sa mga drama kaya eto ang ugali nila ang mag away away sa harap ng lente ng kamera. Nagagawa pang magsuot ng magagarang damit bastos naman ang lumalabas na salita sa bibig. kulang na lang si kuya germs para "Walang Tulugan!"


5.  It's rigged and meaningless

    - Wag na nating ipasok ang aspeto ng dayaan, harapin na natin ang katotohanan na "Walang natatalong Pulitiko sa Pilipinas lahat sila nadadaya". Hindi lang naman sa aspeto ng panlilinlang sa bilangan at pagbebenta ng boto ang pandaraya eh. Nariyan ang "Mind Conditioning" ginagamit ang media para makapagbalita ng track record at achievement nila, ang "Survey" nagbibigay impact din sa mga tao para makapag isip at baguhin ang desisyon nila for the sake of "sunod sa uso". Ang panghuli ay ang "kabobohan/katangahan ng publiko" hindi na tayo natututo sa mga sakunang minsang dumaan na sa atin, ang mga karapatan at benepisyo na unti unting ninanakaw satin ng mga mismong taong kumatok sa pintuan niyo para hingin ang mga simpatiya ninyo sa darating na eleksyon.

     Pagkatapos ng botohan at nadeklara na ang mga nanalo, galit galit na ulit wala nang pansinan na parang walang nangyari. Balik ka na ulit sa normal mong buhay kung saan sinusubaybayan mo ang mga rebelasyon ng susunod na episode ng paborito mong telenobela at pumunta sa mall para sa iyong "Venti Mocha Frapuccino with Watermelon seeds"

edit post

Capital Punishment

Posted on 8:55 AM, under


    Sa pataas na pataas na krimen sa bansan natin, natataon na bang ibalik ang "Death Penalty" o "Parusang Kamatayan"? Sabi nga ni Secretary De Lima "Death penalty is not the solution to criminality. What deters criminality is faithful and diligent enforcement of laws and due administration of the criminal justice system without fear or favour", tama nga naman kung mabibigyan ng maayos na pagpapatupad ng batas maaari nga naman nitong pabababain ang kriminalidad na bumabalot sa lugar natin. Hindi na natin kailangan ng "Death Squad" o "Vigilante" para linisin ang lugar nating binabalutan nang masasamang elemento. Pero ang tanong, naging epektibo ba ang "Reclusion Perpetua" o ang tinatawag nilang "Lifetime Imprisonment"? Nagagawa ba nating parusahan ng wasto ang mga kriminal? Nagagawa ba nating takutin ang mga nagbabalak gumawa ng krimen?

Epektibo ba ang "Lifetime Imprisonment"?

    30 hanggang 40 taong pagkakabilanggo, kapag naging good boy/good girl ka at hindi ka napatay sa loob o pumatay habang nasa loob pwede kang palayain ng mas maaga pa. Pwede kang magsimulang muli na magbagong buhay, pero hindi ka nga lang makakahanap ng agad agarang trabaho kasi nga "ex-convict" ka. Hindi mo rin maiwasang mahusgahan ng mga kamaganak at mga kapitbahay mo, at dahil sa bagong laya ka mataas ang posibilidad na maraming matakot at hindi magtiwala sayo.

Napaparusahan at Natatakot ba ang mga Kriminal?

    Pagpatay (Sinasadya man o hindi), Panggagahasa at ang pagkakaroon, paggamit at pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot. Ito ang mga krimen na may gawad parusa ng "reclusion perpetua". Kapag napatunayan ng hukuman ang kasalanan mo, pinakamababa na ang tatlumpung taon na paghimas mo sa rehas na bakal. Naisip ko lang ito bang mga gumagawa ng "Henious Crime" na ito, sa tingin niyo ba nagagawa pa nilang matakot sa parusang "Habangbuhay na pagkakabilanggo"? Sa palagay ko eh hindi, masyadong magaan ito at hindi tumatayo ang mga balihibo ng isang kriminal na handang kumitil ng buhay para sa pansarili niyang adhikain. hindi yan takot mamatay kasi nagagawa na nga nilang ipagsapalaran ang buhay nila sa kalsada, hindi na nila alintana ang bangis ng lungsod at handa na sila mamamatay. 

Solusyon

     Kung gusto niyo ng may natatakot isama mo sa Death Penalty ang "Graft and Corruption" at "Money Laundering" sa lahat ng mga pulitikong may katungkulan sa Gobyerno. Yan ang mga taong takot mamatay, kasi malakas ang loob nilang magnakaw sa kaban ng bayan at pag nabibisto sila bigla silang nagkakasakit. Ang sakit ay nagiging malubha at sa sobrang lubha nito kailangan nilang dalhin sa ibang bansa para ipagamot. Ganyan katindi ang takot nilang mamatay. Handa silang umubos ng limpak limpak na salapi para lamang gumalng sa biglaang karamdaman na dumadapo sa kanila, kasabay ng mga kaso ng katiwalian na kinasasangkutan niya. Kapag isinama ang mga ganitong krimen hindi na din magiging epektibo ang "Lifetime Imprisonment", gagawin lang nilang bahay bakasyunan ang selda nila. Nakakulong habang may aircon, TV, Ref, washing machine, videoke machine at Mini Bar ang loob ng selda nila. Walang pinagkaiba sa dito sa labas nagagawa paring mag enjoy, habang nagtitika sa mga kasalanang nagawa niya. Mas maiging gawing "Capital Punishment" na ang ay "Death Sentence", ika nga ni Mario Puzo "Revenge is a dish that tastes best when served cold." dapat lang na patayin ang mga nagkakasala at nagtataksil sa mga mamamayan na pinaglilingkuran nila. At dahil sa kapos tayo sa budget sa mga Bala para sa Firing Squad, mataas na singil ng kuryente para sa Silya Elektrika at Magastos ang pagbili ng Chemical para sa Lethal Injection, pwede nating gawing "Old School" ang pagbitay gamitin natin ang "Garrote". 

      Epektibo walang konsumo sa kuryente, walang balang masasayang at walang chemical na bibilhin. Sasakalin mo lng siya hanggang sa matanggalan ng hangin sa ulo at ayun tapos na, malinis na malinis walang pagkakagastusan ng malaki. Pero teka lang sa kadahilanang hirap tayong lumikom ng budget para sa pagpapaunlad ng ating bansa, isa narin sigurong magandang oportunidad ito upang mapalago ang Budget ng Pilipinas. Bakit hindi natin itelevised ang pagbibitay para maka kuha pa tayo ng mga sponsors, at dahil sa magiging maintriga ang programang ito mas maganda kung ang pagpapalabas nito ay kasabay ng mga Telenovela. Paniguradong tataas ang Ratings at isang magandang oportunidad narin para dumami ang mga mag pa plug ng commercials nila. Sa ganitong paraan maaring dumami ang nalilikom nating budget at maging senyales narin ng pagunlad ng ating bansa, Isipin mo pinapatay mo ang Kurakot at Nakakalikom pa tayo para sa Budget ng Pilipinas. 

    Matagal nang nadungisan ang mga kamay natin, matagal na rin tayong nagiging tanga o nagtatangatangahan. Kung kumitil man tayo ng buhay ay sa kadahilanang 'masyado na tayong napupuno sa lahat ng panggagago na ginagawa satin, hindi na kailangang maging malambot at magbigay lugar sa awa. Oras mo na maging berdugo at tapusin ang katarantaduhang ito.

edit post

That's what i hate for Christmas

Posted on 7:16 PM, under


Call me the Grinch, Scrooge, an Entity that hates Christmas Season or to be much more to simplify call me "KJ". Pero hindi ba parang nakakapagod na yung ganitong season? taun taon madalas mong maencounter yung mga ganitong pangyayari, to the point na kinasanayan mo na. Ang makasanayan ang taun taong mga pangyayari tulad ng mga to:

The Traffic Jam - Magkabilaang sikip ng sasakyan, kung motorista ka ulo at itlog mo ang iinit sa sobrang bagal ng usad ng mga ito sa lansangan. Matagal nang may traffic given na naman yun eh, ang hindi ko lang magets eh ang dahilan ng pagiging exaggerated na sikip ng traffic na eto na mula sa mga susunod kong tatalakayin.

Sale Shopping Spree Madness - Midnight Sale, Bazaar, 3 Day Sale at kung anu ano pang mga offer na binibigay ngayon ng malls, basta lang makabili ka ng mga bagay na pag uwi mo eh pagsisisihan mo din kasi nga wala rin pala siyang silbi sa buhay mo. Yung lohika ng pag konsumo ng mga bagay na hindi naman ganun ka importante at hindi magkakaron ng malaking pagbabago ng kaginhawaan sa buhay mo. Just for the sake of sale? special offer? bakit hindi ka na lang pumunta sa cashier ng mga malls at ibigay yung pera mo since hindi mo naman ata alam kung paano yan pahalagahan at madali ka nilang nauuto sa mga "Special Offer" nila sayo.

Shitty Taxi Drivers - "Saan po kayo ser/ma'am?","traffic po dun eh hindi po ako dadaan dun" at "plus 50 pesos po". Dahil nga sa masikip na daloy ng sasakyan, paglabas pasok ng mga ito sa mga malls at pag hahatid at sundo sa mga pasyalan. Nagiging Mapili na sila sabi nga ng isang kaibigan ko yung nakasulat sa mga taxi nila na "any point from luzon" ay dapat nang palitan ng "any point from what i prefer". Sasamantalahin ang mga may mga dalang bata, mabibgat na bitbitin at yung mga nalasing na dahil galing nga sa party. Magpapadagdag ng 20 o kaya 50 kesyo ganito at ganyan, hindi na lang sabihin na "ma'am/ser dahil po sa magpapasko pakidagdagan na lang po yung ibabayad niyo".

The Gift of Giving - "It's the thought that counts", "Season of giving", "Season of Sharing" at "Exchange Gift". Kung magreregalo ka dapat lahat bibigyan mo, pagbibigyan mo lahat dapat pantay pantay para hindi magselos yung iba. "The Gift of Giving" hindi bukal sa kalooban mo ang magregalo, obligado ka! yun ang totoo kasi nga nageexpect ka na may magbigay sayo at yung binigyan mo eh obligado din magbigay, para walang "kahiyaan" para hindi ka masabihan nang "Nakakahiya naman to binibigyan ng regalo tapos hindi nagbibigay" at pagkatapos mong magbigay makakanchawan pa yung mga regalo mong tuwalya, panyo, wall clock, picture frame at kalendaryo. Tapos biglang babanat ng "It's the thought that counts" hindi ba parang katangahan yun?? thought that counts?? kapag nasira ok lang sayo kasi bigay naman. thought that counts?? pag natanggap mo at alam mo sa sarili mo na hindi mo nagustuhan eh. thought that counts?? perahin mo na lang hindi ka pa nahirapan kakaisip ng regalo para sa kanila.

Isama mo pa yung masisikip na pasyalan, mga namamaskong holdaper at yung mga nanay ng inaanak mo na well trained na kung paano lumapit sa mga ninong at ninang. nakakakamot ulong isipin na yung term na "Pasko" eh panahon ng pagbibigayan, hindi ba parang kaplastikan yun? yung pagiging generous mo eh "seasonal", at kailangan mong pagurin ang sarili mo, ubusin ang pera mo at basta masabihan lang ng mabait at mapagbigay kasi nga mabait ka lang sa araw ng Pasko...

edit post